Showing posts with label Brgy S2S. Show all posts
Showing posts with label Brgy S2S. Show all posts

Monday, December 2, 2024

Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Laro, Papremyo at Mas Pinabilis na Prepaid Fiber Internet Hatid sa mga Cagay-anon!

Cagayan De Oro – Kasunod ng matagumpay na paglulunsad ng BRGY S2S sa General Trias, Cavite, maghahatid naman ng kasiyahan, palaro, at papremyo ang Surf2Sawa at Converge sa darating na Sabado, November 30, 2024, sa Calaanan Zone 10 Covered Court, Brgy. Canitoan, Cagayan de Oro City mula 7AM hanggang 6PM! Halina’t makiisa sa mga exciting na activities at tuklasin ang mas pinabilis na prepaid fiber internet ng Surf2Sawa na ngayon ay magiging available na sa Cagayan de Oro!

Saturday, November 23, 2024

Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Laro, Papremyo at Mas Pinabilis na Prepaid Fiber Internet Para sa Lahat ng Caviteño

Kasunod ng matagumpay na launch ng BRGY S2S sa San Jose del Monte, Bulacan, maghahatid naman ng kasiyahan, palaro, at papremyo ang Surf2Sawa at Converge sa darating na Sabado, November 9, 2024, sa General Trias Memorial Elementary School Brgy. San Juan, General Trias Cavite mula 7AM hanggang 6PM! Kasabay nito ang paglunsad ng mas pinabilis na prepaid fiber internet ng Surf2Sawa na maari nang magamit ng mga Caviteno!

Sa mga nakaraang taon lamang, malaki ang naiambag ng Cavite sa pag-unlad ng Pilipinas. Pati na rin sa bilang ng populasyon, itinuturing ang Cavite bilang isa sa mga pinakamalalaki at pinakamabilis na lumagong probinsya sa bansa. Dahil dito, ikinagagalak ng Surf2Sawa na bumisita sa Cavite upang magbigay ligaya sa mga tao at itampok ang kahalagahan ng pagtutulungan at pagiging konektado ng bawat komunidad.

Sunday, November 3, 2024

Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Laro, Papremyo at Mas Pinabilis na Prepaid Fiber Internet Para sa Lahat ng Bulakenyo!

San Jose del Monte City, Bulacan – Matapos ang matagumpay na pagdiriwang sa BRGY S2S - Cebu, handog ng Surf2Sawa, powered by Converge, ang isa nanamang masayang selebrasyon na ngayon ay gaganapin sa Brgy. Gaya-Gaya, San Jose del Monte, Bulacan. Papaunlakan ang event sa Marangal Elementary School, Novaliches Street sa darating na Sabado, October 19, 2024 mula 7AM hanggang 6PM. Inaasahang makikisalo ang mga kilalang personalidad na tagapaghatid ng S2S tulad nina Melai Cantiveros - Francisco, Cheche Tolentino, Joy Cancio, at SB New Gen! Ang kapanapanabik na kaganapan ay hindi lang maghahatid ng saya, palaro at mga premyo dahil kaabikat ng mga aktibidad na ito ang layuning magpaabot ng access sa mas pinabilis na prepaid internet connection na Unli, Mura at Walang Kontrata! 

Monday, October 7, 2024

Brgy S2S - Cebu, Matagumpay: Mga Cebuano Nagalak sa Pinabilis Na Prepaid Fiber Internet

Talisay City, Cebu – Nagtipon-tipon ang mga pamilyang Cebuano sa Talisay City Plaza noong Setyembre 21, 2024, para sa isang araw na punong-puno ng saya, palaro at papremyo hatid ng matagumpay na paglulunsad ng BRGY S2S: Walang-Sawang Saya, Laro at Papremyo na dala-dala ng Surf2Sawa at Converge sa Cebu. Matapos ang matagumpay na paglulunsad sa Quezon City, binigyan-diin ang availability ng upgraded prepaid fiber internet ng Surf2Sawa, na ngayon ay nagdadala ng bilis na hanggang 50 Mbps (mula sa dating 25 Mbps).

Ang masayang pagdiriwang ay pinaunlakan ng mga celebrities, mga kapana-panabik na aktibidad at mga papremyo. Ang mga ito ay kaakibat ng misyon ng Surf2Sawa na makapagbigay ng mabilis at maaasahan na internet na mura at abot-kaya.

Friday, September 20, 2024

Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Laro, Papremyo at Mas Pinabilis na Prepaid Fiber Internet Hatid sa Cebu

Talisay City, Cebu – Pagkatapos ng matagumpay na launch ng BRGY S2S sa Tandang Sora, Quezon City noong nakaraang buwan, susugod naman sa probinsya ng Cebu ang Surf2Sawa at Converge para maghatid ng walang-sawang saya, palaro at papremyo sa mga Cebuano. Kaakibat nito ang paglunsad ng mas pinabilis na prepaid fiber internet sa naturang probinsya.

Ayon sa reports ang kabuuan ng Central Visayas ang naging fastest-growing economy sa buong bansa sa nakalipas na taon—simbolo ng patuloy na pag-unlad ng rehiyon. Kaya naman ikinagagalak ng Surf2Sawa na dumayo sa Cebu para pasayahin ang mga tao at ipakita ang kahalagahan ng pagtutulungan sa bawat komunidad.

Friday, August 9, 2024

Brgy S2S: Walang-Sawang Saya, Palaro, at Papremyo Hatid ng Surf2Sawa at Converge sa Inyong Lugar

Ayon sa census (PSA 2020), halos 35 porsyento ng populasyon sa bansa o kulang-kulang 9.5 milyong households ang kabilang sa may mga pinakamababang income. Ang nasabing bilang ng mga pamilya ay nagsusumikap na matustusan ang kanilang pang araw-araw na pangangailangan tulad ng tirahan, pagkain, edukasyon, at pati na rin access sa internet data.

Kaya naman nakakatuwa ang kalalabas lang na balita na mas dumami na ang bilang ng masang Pilipino ang naging konektado sa unlimited internet dahil sa reliable, affordable, at flexible prepaid fiber plan ng Converge na Surf2Sawa (S2S).

Kaya para ipagdiwang ang patuloy na paglago ng S2S, inanunsyo ng kumpanya ang bagong proyekto na siguradong kagigiliwan ng mga fiberkads sa iba't-ibang lugar sa bansa. 

Featured Post

HUAWEI ranked first in IDC’s Global Wearables Market for First Three Quarters of 2024

HUAWEI has been ranked first in IDC’s Global Wearable Device Market Quarterly Tracking report for global shipments in the first three quarte...