Quirino Elementary School, Quezon City – Pagkatapos ng matagumpay na Surf2Sawa dito rin sa QC noong April, muling naghatid ng walang-sawang saya, palaro at papremyo ang Surf2Sawa at Converge ICT noong Sabado, June 28, 2025, sa Quirino Elementary School, Anonas St., Project 2, Quezon City mula 7:00 AM hanggang 6:00 PM!
Sa mga nakaraang taon, kinilala ang Quezon City bilang isa sa pinakamabilis na umuunlad na lungsod sa hanay ng mga Highly Urbanized Cities sa bansa. Sa mahigit 3 milyong residente, ikinagalak ng Surf2Sawa na maihatid ang kasiyahan at abot-kayang koneksyon sa puso ng Metro Manila upang tuluyang mabigyang solusyon ang digital divide at masigurong konektado ang bawat pamilyang Pilipino.







.png)







