Muling naghatid ng saya, palaro, at papremyo ang Surf2Sawa by Converge sa pagdating ng BRGY S2S sa Brgy. Palaris, San Carlos City, Pangasinan noong May 9, 2026.
Ang naturang aktibidad ay kasunod ng matatagumpay na paglulunsad ng BRGY S2S sa Daet, na nagpapatibay sa lumalawak na presensya ng Surf2Sawa sa mga komunidad. Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinatunayan ng kumpanya ang pangako nitong magbigay ng maasahan, de-kalidad at abot-kayang internet para sa bawat pamilyang Filipino.
Binuksan ang pagdiriwang sa pamamagitan ng Zumba2Sawa, kung saan masayang naki-indak sa umaga ang mga residente. Kasunod nito, lalo pang uminit ang enerhiya sa engrandeng Parade at Recorida na nagmula sa Arenas Complex at dumaan sa Converge Business Center sa kahabaan ng G.H. Del Pilar St. Ang parada ay nag-ikot din sa Malong St. at Burgos St. bago muling bumalik sa Arenas Complex.